Sunday, August 31, 2008

ang panimula - the beginning

(a shot taken at starbucks araneta, *note: ndi po ako ang nasa pic)

In the beginning there was...

ang nagugulumihanang si mujang (in gay speak - gay mother)

maingay ang paligid, maririnig mo ang mga nagtatawanan, ang pukpukan sa isang nirerenovate na resto, ang simpleng patingin tingin ng aking kaibigan sa mga nagdadaan na samu't saring mga beki (bading, gay, "bi", 3rd sex) na nakaparada dito sa starbucks araneta.


anong nagtulak sa akin para buuin ang blogsite na ito? simple lang naman, para maihinga ang mga hinaing ng aking abang puso, ang mga hinaing ng aking nalilitong pagiisip, ang mga hinaing ng aking nangungulilang pagkatao...

-break time muna- beso beso with a friend na uuwi na habang may cutie na dumaan wearing grey sleeveless shirt and khaki shorts na sumandaling naka lock eyes ko...

rrrriiiiiiiiiiiiinnnnggg!!! tapos na ang recess

back to my drama anthology... ayun nga, bored ang mujang sa buhay kaya naisipang gumawa ng blog, nang kahit papano ay maishare naman sa madlang people ang aking mga views at insights, ang mga kaboringan na nangyayari sa buhay ko at ang mga karakter na patuloy na nagpapaikot at nagbibigay kulay sa buhay ng isang nilalang in his early 30's...

-breaktime ulit- parang timeout lang sa basketball... may cute daddy lang na dumaan and my guileless mind can't help but to wander through his beauty... nagiilusyon na naman ako hahaha! sindi na lang muna ng yosi para mawala ang tensyon...

anyways... harinawa'y ito na ang maging simula ng isang magandang bagay at isang fabulosang kabanata sa buhay ni mujang na naglakas loob na isa titik at bawat kakatwang pangyayari sa buhay ng isang bading... maging ito man ay sariling karanasan o halaw sa buhay ng mga taong ndi mapigilang maugnay sa buhay ng nagiisang mujang... (iconic ba ito?!)

dito na muna magtatapos ang panimulang kabanata sa gabing makulimlim, gabing puno ng kabaklaan ang paligid, gabing saksi na naman ang inyong abang lingkod sa mga pares ng tukling na animoy nabuhusan ng pukyutan sa sobrang tamis sa isa't isa (bitter?!), gabing hihilahin ko na naman ang aking mga paa patungo sa aking munting bahay at papasok sa aking silid upang magpahinga at humarap sa bukas na puno ng mga hamon at tanong, kakulitan ng aking mga kliyente at amo at kung anik anik pa... wag kayo mag alala... along the way, everybody will know who MUJANG is...

till next post everyone...

P.S.

nais nga po palang pasalamatan ni mujang ang kanyang mga sponsors...

- Araneta Center... for the free wi-fi... (pasaway kase ang airborne access... wa konek!)
-
Starbucks Coffee... para sa classic iced choco (the only concoction that i drink... aside from the signature one)
- Si Peps at Arbita... sa walang sawang pakikinig sa mga drama ng buhay (palitan lang kami noh)
- at higit sa lahat... sa winston lights (a very loyal companion for quite a long time now... no choice cya... loyal follower din kase ako eh)

ciao!!!




2 comments:

Lyka Bergen said...

Welcum Mujang! Promising ang blog mo. Mabuhay kah! Sulooooong!

zico said...

salamat po bb lyka

mabuhay ka din!

mabuhay tayong lahat!!

philippines!!!!

(itsura ng mga lumalaban sa Miss U)
lolz