Tuesday, September 2, 2008

of migraines and gay drama

i woke up today feeling a little weazy... head aching... shit... migraine again (kaya pala pa-ingles ingles na naman ni mujang... migraine ang drama)



time and memorial park ko na nararamdaman itong sakit na ito and wala na yatang "the cure" super drink na lang ng medz and water (translation: coke) my phone has been ringing non stop mula pa 9 am mula sa mga clients na walang sawang humingi ng autograph ko (isang malaking CHAROT!!!) in truth nagfollow up lang ng orders at kung ano pang achuchuchu... kebs ang drama ni mujang... sakit ulo ko eh! im to tired to even lift a finger... (dyosa?!?!)

bandang mga 10:30 ay bumaba na sa lupa ang dyosa (?!?) at kanyang namulatan si dorothy (counterpart ni emily(andrea) ng "the devil wears prada," kaya dorothy kase badet ang kasarian at ito ang local version... "the devil wears janilyn")


Dorothy™

punta muna tayo sa istorya ni dorothy... si dorothy (hindi tunay na pangalan, ngunit isang tunay na tao?!?!?) ay isang abang bakla (ayon sa kanya ha... indi ako ang nagsabi ng mga words na yan adeng) isang abang bakla na simple ang pamumuhay at nangarap to make it big... si dorothy ay dating Overseas Contract Worker sa London, tagapagalaga ng mga aso sa ibang bansa... caregiver... sa mga aso nga lang. matagal nakipagsapalaran si dorothy sa daluyong ng buhay sa London, punas ng jebs dito, laps ng jebs doon (echos!) matiyaga si dorothy hanggang sa...
hay naku tigilan na nga ang drama... kumukunot ang noo ni mujang... sayang daw ang airtime...

eto na talaga ang kuda... si dorothy nakatira kina mujang, kase ang pinaggalingan eh kabundukan ng laguna, dito sya sa maynila nag-aaral at dito din sa maynila ang kanyang eksenang kabaklaan. kasapi si dorothy ng isang malaking grupo ng mga bading at dito nagsisimula ang tunay na istorya... (nuninuninuninuninuni... horror?!?!?!)

bandang mga 10:30 ay bumaba na sa lupa ang dyosa (?!?) at kanyang namulatan si dorothy (counterpart ni emily(andrea) ng "the devil wears prada," kaya dorothy kase badet ang kasarian at ito ang local version... "the devil wears janilyn") nagulat si mujang na nandoon si dorothy... alam kase ng lola nyo na uuwi ito ng laguna... yun pala lumandi lang kagabi at buong ningning at kagandahang kinwento ni dorothy ang kanyang mitsubishi adventure habang nagiinit ng ulam namin kagabi na CHOPSUEY.

natapos ang pagiinit nang ulam na humantong sa paglalahad ni dorothy ng kanyang mitsubishi adventure... si dorothy ay nakiulayaw sa isang tukling na itatago natin sa pangalang PAPA POLO RAVALES (indi na naman tunay na pangalan mga adeng... ito'y imbento lang, pero totoong tao naman sya) sino si papa polo ravales? aba mah! at pah! basta ang alam ko ay may jowa itong si papa polo ravales at itong tatanga tangang dorothy... super kilig naman kase ang bait bait daw sa kanya... so eto na ang drama

di ba nga mga adeng, ang papa polo ravales ay may jowang iba... committed ika nga... eh nakikipaglandian at lambutsingan kay dorothy... ang naive namang si dorothy... sige din naman ang landi... so eto na, unang talinhaga ng kuda ni mujang

mujang: "dorothy... anu ka ba naman, may jowa yun tao tas sige pa ang paglandi mo at pagsama mo sa kanya..."
dorothy: "indi naman ako ang lumalandi mujang eh, kundi sya..."

mujang: "kahit na... alam mo naman na may jowa di ba... ikaw ano mararamdaman mo kung ikaw ang nasa kalagayan nun jowa ni papa polo ravales... malaman mong nangangalantari ng iba ang papa mo... how would you feel?"
dorothy: (nosebleed) "can you run that by me again mujang... charot!" "eh kase may kinakalantari rin naman daw iba un jowa nya eh so patas lang... minsan na nga lang may hotness na papa na pumapel sa akey, hayaan mo na..."
(sabay natigilan panandali si dorothy kasabay ng muling pag-agos ng dugo sa kanyang ilong)
dorothy: "sabagay... ndi dahilan yun pangagaliwa ng jowa nya para mangaliwa din sya..."
mujang: "o e di ikaw na din ang sumagot sa katayuan mo... ganyan ba kababa ang tingin mo sa sarili mo at hinahayaan mong gawing kang panakip butas nyang si papa polo ravales na yan... ginagamit ka para makaganti sa kanyang jowawitschels..." "neng kung magaayos ka lang, mas magiging higit pa ang makukuha mo kesa jan sa papa na yan... kung mas papahalagahan mo ang sarili mo, build your values and character... mas makikita ng tao kung sino ka at kung ano ang worth mo..."
dorothy: "sabagay... pero mujang naman nararamdaman ko naman na gusto nya din akey... may i buhat pa nga sya ng gamit ko... may i hatid nya pa akey... you know..."

natapos ang aming usapang mas magulo kesa sa pinagsimulaan...

bakit kaya ang mga kabataan ngayun... mas iniisip nila ang panandaliang kaligayahan kesa sa tingnan kung ano ang maaring maidulot nito sa kanilang pagkatao, kung ano ang maaring maging epekto nito sa kanilang prinsipyo at karakter.

sa pananaw kase ni mujang, ndi naman sa hinahatulan nya ang mga kapwa tukling, pero ang pag-ibig at commitment at isang sagradong salita para sa kanya... na ang pag-ibig ay ndi basta basta umuusbong at ang emotions ay hindi basta basta madaling minamanipula at pinaglalaruan dahil one day it could run wild at get back at you...

minsan nga natatawa na lang si mujang pag nakaka encounter sya ng mga tukling na emoteng emote tungkol sa kung bakit alang makitang seryosong relasyon... walang sumeseryso sa kanila... ANG TANONG... bakit? kayo ba pag may sumeryoso sa inyo eh sineseryoso nyo ba? o kayo yun tipo na mayroong nasa isip na IDEAL GUY na sa gusto mo ay ganoong tipo lang ang tingin mong dapat sumersyoso sa iyo ng pakikipagrelasyon at seseryosohin mo ding mahalin... anybody who falls short in that category will just simply be a waste of time... cguro titikman lang then pag nawala na ang kilig factor move on to the next one na...

mahirap kung sa mahirap dahil may mga kanya kanya tayong tipo ng kagwapuhan at katikisan ng lalakling (lalaking-tukling) na iniilusyon nating mapasaatin. pero madami tayong pinapalagpas na pagkakataon dahil tayo mismo sa sarili natin ay niloloko natin... na nagpapadala lang sa peer pressure, dahil sa lahat sila may jowa kailangan din ako meron... ndi pwedeng mabakante ako kase pangit lang ang mga walang jowa... and so on

kung ganyan ng ganyan ang tatakbo sa isip ng bawat isa... wala nang mabubuong relasyon.

marahil nagtatanong kayo kung si mujang ba ay may jowa at kung makasalita ay parang... WALA... single blessedness ang lola nyo... at bakit

by chance and by choice na din daw... sa dami ng nakatagpo ni mujang na mga "seryosong naghahanap ng relasyon" lahat yun ay parepareho lang din ang naging dialog... "i'm sorry... hindi pa pala ako handang mag commit..."

hindi na ieelaborate ni mujang ang dahilan pero im sure alam na alam nyo na kase napagdadaanan nyo din ito... kanya kanya nga lang tayo ng eksena at pamamaraan lolz...

o cya mga adeng... magpapahinga muna si mujang... mamaya baka magpamassage na lang sya para ma relax naman ang byuti ng dyosa (?!?) sana may napulot kayong aral sa munting babasahin na ito... wag matakot mag comment... bukas ang aming mga linya para sa inyong mga hinanaing...

ciao!!!

No comments: